Philippine Asian News Today | FILIPINO Canada News Vancouver | Calgary | Edmonton

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo will spend their Lenten weekend with fans

Fresh at all smiles pa din sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kahit pagod sa biyahe mula sa magkakaibang probinsya para personal nilang imbitahan ang kanilang mga fans para sa kanilang upcoming movie na Can’t Help Falling in Love na mapapanuod ngayong Black Saturday, April 15.

Kuwento ng KathNiel, hindi na nila iniisip ang pagod ngayon dahil mas nag-eenjoy sila sa mainit na pagtaggap sa kanila ng mga fans na matiyagang naghihintay sa kanila sa mga mall shows.

“Saturday and Sunday may mga block screening po kami na pupuntahan, so tuloy-tuloy pa din tayo ngayong Holy Week,” Ani ni Kathryn.

“Siguro masaya lang kahit pagod, masaya lang sa mga nangyayari sa amin. Ang daming tao sa Cebu. Ilan beses ko nga nasabi kahit ilang beses na kami nagpunta ng Cebu mainit pa din ang pagtanggap nila sa amin,” sabi pa ni Daniel.

Bukod dito marami din ang nakakapansin ng blooming na aura ngayon ni Kathryn.

“Ganun? (Laughs) Siguro talagang magaling lang ang makeup artist ko, kasi talagang kahit pagod kami naalis niya yung puyat sa mukha ko,” pagbibiro ni Kathryn.

Kabado man, confident pa rin daw ang KathNiel tandem sa kanilang pinaghirapang pelikula kahit na malalaking pelikula ang kanilang makakasabayan ngayon April 15.

“Siyempre nakakakaba kasi may mga big movies talaga (Hollywood films). Pero siguro gusto masaya lang kasi alam naman namin na maganda at worth it ang pinaghirapan natin kaya excited kami na mapanuod ang movie,” pagtatapos ng KathNiel. (K. Escudero, Push.com)