Philippine Asian News Today | FILIPINO Canada News Vancouver | Calgary | Edmonton

Celebrities reveal the turning points in their lives

Iba’t-ibang pagsubok sa buhay ang nai-share ng ilan sa paborito nating celebrities. Ikinuwento nila kung ano ang natutunan nila sa pinagdaanan nilang ito at proud silang i-share kung ano ano ang mga ito.

Maliliit pero magkakasunod na pagsubok sa buhay ang pinagdaanan noon ni Matteo Guidicelli na nagpatibay sa kanya ngayon.

“I don’t have one situation but many situations and you realize mistakes years after. Like I always tell my friends, ‘Bro I’m excited to grow old not to get old.’ But the wisdom [and] experience creates somebody else. It’s something magical, it’s something no one can teach,” kuwento ni Matteo.

Malaking pagbabago rin ang nangyari sa buhay ni Beauty Gonzalez nang isilang niya ang anak na si Olivia. Mahirap ang papel ng isang ina at dito niya nakikita ang kahalagahan nya sa paglaki ng kanyang baby.

“It made me a good person. Naging mabait ako sa anak ko, naging importante sa akin ang pamilya, naging importante sa akin ang lahat ng bagay nang magkaroon ako ng anak,” sabi pa ni Beauty.

Hindi rin makakalimutan ni Joem Bascon ang pagsubok na pinagdaanan sa kanyang pamilya at personal na buhay. Panalangin at suporta ng mga nagmamahal sa kanya ang kinapitan para malagpasan ang pagsubok.

“Noong bumagsak ako hindi naman sa career but with my personal life. Nagkaroon ng problema with the family pero as long as you surround yourself with the right and loving type of people… Yun ang turning point ko noon,” dagdag pa ni Joem. ( J. Fernando, Push.com)