• Page Views 1620
  • collen-gabNauwi na sa breakup ang isang taong relasyon nina Coleen Gar­cia at Gab Valenciano. Nakaalis na ng bansa si Gab nitong Lunes, March 25, patun­gong Amerika para tapusin ang two-year music course sa Full Sail University sa Orlando, Florida. Ngunit hindi nagpunta si Coleen sa despedida party ni Gab sa Polo Club kasama ang pamilya nito at malalapit na kaibigan. Sa panayam ng PEP.ph (Philip­pine Entertainment Portal) at Cin­ema News kay Coleen last week, kinumpirma nito ang estado ng kanilang relasyon ni Gab. Saad niya, “Alanganin kasi he’s leaving and mahirap. “I’ve never been in a long-dis­tance relationship.
    “Hindi kami pareho ng age, magkalayo ang age namin—24 siya and 20 lang ako.
    “Pero we’re in the same stage of our lives na paangat pa lang kami, so mahirap yun.
    “We’re both starting… paangat pa lang.
    “Siya, matagal na siya sa show­biz, pero yung papasukan niyang career, iba.
    “We’re just gonna be pulling each other down if we don’t stop it.
    “Mahirap na yung long-dis­tance relationship as it is, pero paano kaya kung dagdagan mo pa na paangat pa lang, tapos showbiz pa? Paano kaya?
    “Parang lahat ng hirap na pu­wedeng mangyari sa isang re­lationship, nangyayari sa amin ngayon, so parang mahirap i­continue kung ganun.”
    Patuloy ni Coleen, “Ngayon, malabo na talaga, maaaring mauwi sa breakup.
    “Pero we are trying pa din, pero sa tingin ko kasi, sa ngayon, we are trying and trying.
    “And he is leaving on March 25, so parang hindi niya pa alam kung kailan siya babalik.
    “So, parang walang hangga­nan ang pagpunta niya sa States.
    “Alam mo yung nalilito ka pa rin na breakup… yung parang ganun.
    “It’s not super-super na, like, ‘Okay breakup, wala na.’
    “Suguro it’s been a month… hindi naman one month, magwa­one month pa lang.
    “Di siya totally break na di kami nag-uusap.
    “Nagkakalabuan na kami for about one month. Medyo ma­labo-labo talaga”

    IN DENIAL. Aminado si Coleen na noong una ay in denial pa sila sa maaaring kapuntahan ng rela­syon nila sa pag-alis ng bansa ni Gab. Pero habang papalapit ang araw ng pag-alis ng boyfriend ay doon daw nila nakita ang reyali­dad.
    “Dati, sinasabi namin na, ‘That’s fine, everything is fine.’
    “Bago pa naging kami, alam namin na aalis siya. “Kasi years and years before he
    even met me, plano na niya talaga yun, dream na talaga niya yun.
    “Not once na naisip ko na pigilan siya o habulin ang pangarap na yun.
    “Kasi years ago pa yun, it’s long overdue, kailangan na niyang matupad.
    “We decided to fight for it, fight for it…
    “Habang palapit nang palapit sa pag­alis niya, dun nagiging mas totoo, mas nagig­ing klaro yung reality.
    “Mas nakikita na­min yung reality na baka hindi talaga mag-work.
    “Ayaw namin na dumating sa point na away na lang nang away, na maa-affect yung work namin.
    “Kahit papaano, may matitira pa ring respeto para sa isa’t isa at saka kung anuman ang mayroon sa amin, i-preserve na lang kaysa unti-unting nade-drain.”
    Sabi pa niya, “Actually, wala na­mang nag-decide na ‘let’s break up,’ dahil sa sobrang pressure na nilalagay sa relationship namin.
    “So many factors, tapos show­biz pa, aalis siya, we will both have different goals…
    “Sa sobrang daming pressure na nalalagay sa relationship na­min, away kami nang away, so ayun.
    “I think isang malaking factor yun na away kami nang away.”

    BIGGER PROBLEMS. Hindi nga itinago ni Coleen ang nag­ing madalas na away nila ni Gab, kung saan pabigat din nang pabi­gat ang mga problema nila.
    “Hindi ganitong mga klaseng away, kasi yung away namin be­fore…
    “Kasi we get along so well, Gab and I get along so well talaga.
    “Hindi naman araw-araw, hindi naman sa palaging nag-aaway, pero pabigat nang pabigat yung mga away.
    “Kasi habang lumalapit na yung day ng pag-alis niya, pabi­gat nang pabigat yung mga prob­lema.
    “Hindi mo na naiisip na, ‘Uy, aalis na siya, mami-miss ko siya.’
    “Iniisip mo, ‘Anong gagawin niya pag nandun siya? Ano ang gagawin ko pag nandito ako?’ “Kasi ako, I always think of long­term, e. Di ako, ‘Ay, bahala na!’
    “Iniisip ko talaga, ‘Paano kaya?’”

    Nagkaroon ba siya ng fear na dahil malayo nga sila sa isa’t isa ay baka makahanap ng iba si Gab?
    Pag-amin ni Coleen, “May ga­nun, hindi naman mawawala yun. Marami talagang naging prob­lema.”

    COMMUNICATION LINE. Da­han-dahan daw nilang pinutol ni Gab ang komunikasyon sa isa’t isa dahil naniniwala si Coleen na mas magiging mahirap kung patuloy pa rin ang pag-uusap nila nang madalas.
    Pahayag ng young singer-ac­tress, “Naka-ilang days na hindi kami nag-uusap, pero we’re in good terms naman.
    “We’re in speaking terms. Pag kailangang mag-usap, nag-uusap naman.
    “Pero yung texts, wala. Not so much na kasi aalis na siya.
    “So mahirap if he keeps on holding on, I keep on holding on, so we’re preparing ourselves na lang.
    “Katulad ng sinabi ko, we ended our relationship na ganito, peace­ful, na parang mutually, kasi para nandun pa rin yung respeto.”

    Mahal pa ba niya si Gab?
    Sagot ni Coleen, “Hindi naman mawawala yun.
    “Kasi when you love a person, hindi naman mahal mo lang siya dahil nandito siya sa buhay mo or kasama mo siya —you’re with the person.
    “I love Gab, I love his family, I still care about them.
    “Siguro kasi, with Gab, it’s dif­ferent when you love someone and when you want to be with someone.
    “Right now, I love him, I love his family, pero I don’t think I should be with him.” — Melba Llanera, (pep/gma)

    Share

    Leave a Reply

    New Posts Recently publish post More

    • 20 May 2018
      12 hours ago No comment

      Poke-what?

      Two decades ago somewhere in Tokyo, a young Japanese boy spent his playtime catching all sorts of insects and tadpoles. Over time the young boy’s obsession of catching creatures evolved into a hobby that created a game of catching, training and trading creatures – all in an electronic world. ...

    • 20 May 2018
      14 hours ago No comment

      Just another day in political paradise

      I must admit, I had high hopes for politics in Canada. After being exposed to the politics we have in the Philippines, it is no wonder that you do not see a lot of Filipino-Canadians running for office here or any other part of the world. We have been jaded ...

    • 20 May 2018
      16 hours ago No comment

      TRAIN law exceeds revenue target

      In first quarter The government registered a net revenue gain in the implementation of the Duterte administration’s first tax reform law in the first three months of the year owing to higher taxes remitted by the tobacco industry. Instead of a net loss of at least P3.2 billion in ...

    • 20 May 2018
      18 hours ago No comment

      ABS-CBN files $5 million lawsuit against Dazcon Inc. in Canada for copyright infringement

      TORONTO, Ontario – Acting on reports from its own customers, ABS-CBN, the leading Filipino media and entertainment company in the world, served today a Statement of Claim issued in Canadian Federal Court against Dazcon Inc. arising out of set-top boxes that enabled buyers to illegally access hundreds of ABS-CBN’s ...

    • 19 May 2018
      2 days ago No comment

      NPA rejects Hector Bremner’s bid for party’s Vancouver mayoral nomination

      The Non Partisan Association’s (NPA) was rocked with controversy when it rejected high-profile mayoral candidate Hector Bremner. The party’s decision, say some of its observers,  shows the lack of transparency, and is “stuck in an old ‘backroom’ boys mentality” as well as an anti-immigrant bias. Bremner, who is very ...

    %d bloggers like this: