“PAHIRAMAN NG BAYAN” TUGON SA PANGANGAILANGAN – onefilcoop

  • Page Views 1240
  • ALAM BA NINYO na dito sa BC ay umiiral pa rin ang sistemang five/six (5/6) sa mga pautang? Hindi kapanipaniwala dahil napakalayo na natin sa Pilipinas pero kung tayo ay magtatanung-tanong sa ating mga kakilala at kaibigan ay sasabihin nilang mayroon dito niyan. Yes, may ilan tayong kababayan na biktima pa rin sa “kapit sa patalim” na sistemang ito. Ang nagpapahiram sa sistemang five six ay hindi ang mga bumbay na kadalasang alam natin kundi ang kapwa natin Pinoy na nagsasamantala sa ilang kababayan. Masakit ano po.

    onefilcoop
    *****
    Hindi lang iyan,
    mayroon namang mga legal na pahiraman tulad ng Payday Loans, Instant Loans, Express Loans at iba pang lending agency na nakikita natin sa mga kanto. Dito ay halos pareho din ng five/six pero ito naman ay medyo suwabe ang dating na pahirap sa ating mga kababayan lalo na sa may mga biglaang pangangailangan. Kamakailan lamang ay may mga ilang tumawag sa FilCo-op na nakabasa ng ating CoopTalk Column dito sa PNT tungkol sa ating Pahiraman ng Bayan Micro Lending Services. Sinasabi na na nais na nilang lumipat at makawala sa pagkakabaon sa utang sa mga ahensiyang ito. Marami nang members ng FilCo-op ang naging biktima ng mga ahensiyang ganito. Nagpapasalamat sila at nagging member sila ng FilCo-op.
    ******

     

    May isa naman ahensiyang Pinoy na ayon sa kanilang information document na pinapadala thru mail sa mga bagong kliyente, kapag humiram ng halagang $500.00 ay may interest na $200. Total na halagang babayaran ay $700.00 na babayaran sa loob ng apat(4) na buwan. So, kada buwan ay magbabayad ng $175.00. Kung ito’y susumahin ay may interest rate itong 10% per month na halagang $50.00 kada buwang interest sa halagang hiniram na $500.00 . So, 10%/mo. X 12 months equals 120% per year interest. WOW ang bigat!

    DITO PO SA FILCOOP ay 2% per month lang po ang interest. May Profit Share ka na, dahil isa ka sa may-ari at may Patronage Refund ka pa sa iyong pagtatangkilik sa mga produkto at serbisyo nito.
    ********

    Dahil sa ganitong mga sitwasyong panggigipit sa mga nahihirapan nating kababayan, inilunsad ang PAHIRAMAN NG BAYAN MICRO LENDING SERVICES ng One Filipino Cooperative of BC noong 2010 sa tulong ng VanCity Savings and Credit Union. Layunin nito na matulungan ang ating mga kababayan sa oras ng pangangailangang pinansiyal maging ito ay pang-negosyo, pampa-aral, pampagamot o anumang biglaang pangangailangan,  sa paraang magaan na may balik pakinabang o benepisyo pa sa bawat kasapi.
    ********

    Maliban dito ay tuluytuloy pa rin ang iba pang mga Serbisyo at Programa tulad ng FLY NOW PAY LATER Loan Services, FILCOOP IREMIT PADALAHAN NG BAYAN na kung saan ay nagbibigay ng $2.00 instant Patronage Refund sa services fees, DAMAYANG PINOY PROGRAM na tulong pinansiyal sa pamilya sa panahon ng pagpanaw ng mahal sa buhay, Times Telecom Home Phone Service at Long Distance Call, The Filipino Channel, at Job Posting and Net Working. Mayroon din RERERRAL SERVICES sa ibang mga business partners tulad ng ICBC Auto Plan, ICBC Accredited Driving Instructor, Accident and Life Insurances, RESP, RRSPs and other Financial Planning, Travel Agency, Kangen Water, Salad Master, Sierran Roofings, Memorial Plan, Real Estate and Mortgage Advisor, Home Renovation at iba pa. May member din tayo na nasa Shaw Cable para sa discounted internet and tv subscription. KAYA SALI NA!
    *********

    Katatapos lang ng mga Social Summer Activities para sa FilCo-op Team Building and Fellowships sa Slocan, Amble Side at Queen Elizabeth Parks. Ngayong Labor Day Long Weekend ay magkakaroon ng Group Camping sa Klahanie Campground sa Squamish, BC
    Parami na ng parami ang sumasapi bilang isa sa may-ari ng One Filipino Coop, ang kauna-unahang kooperatibang Pinoy dito sa BC. Maliban sa kikitain ng inyong pera dahil sa Profit Sharing ay mayroon pang Patronage Refund sa bawat pagtangkilik ng serbisyo. Lumalago na ang pera ng bawat miyembro, nakakatulong pa sa mga kababayang may suliranin.

    SANA KAYO Sa iba pang katanungan o impormasyon, mag email lang po filcoopbc@yahoo.ca o mag text or tumawag sa 604-780-2061.
    website: www. filcoopbc.com.
    Facebook:Filipino Cooperative
    ONE FILIPINO COOPERATIVE OF BC“

    “Matutulungan ka na, Makakatulong ka pa, KayangKaya Kung Sama-Sama”

    Share

    Related Post

    Related Blogpost

    Leave a Reply

    New Posts Recently publish post More

    • 23 August 2017
      18 hours ago No comment

      Wind River (PG)

      Chill Out! Some groups in society get raw deals. British Columbians especially know the plight  of missing Aboriginal women. Clearly this blight on society has gone under the radar.  Now with the VVS Films release of Wind River perhaps this issue may come to the fore. Inspired by true ...

    • 23 August 2017
      19 hours ago No comment

      Annabelle: Creation (PG)

       Bewitched! Toys are a fixation of youth. In the best Chucky tradition Annabelle: Creation connects. Looks like the folks at Warner Brothers made the right choice by green lighting the not so child friendly horrific follow-up to the smash first edition triumph. See bad things happen to all that ...

    • 23 August 2017
      20 hours ago No comment

      BIR starts tax probe of Bautista, wife, others

      The Bureau of Internal Revenue (BIR) has started its investigation on the alleged tax evasion committed by Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista. Justice Secretary Vitaliano Aguirre II announced in a press conference yesterday that the BIR has formed a five-member team to investigate possible violations of the ...

    • 23 August 2017
      21 hours ago No comment

      August 21 is Ninoy Aquino Day

      This national non-working holiday is celebrated annually on 21 August. In Filipino, it is known as ‘Araw ng Kabayanihan ni Ninoy Aquino’. The holiday commemorates the assassination of former Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr. on 21 August 1983. His wife was Corazon Aquino, who later became President of the ...

    • 23 August 2017
      22 hours ago No comment

      Juan on Juan: Kaye Banez

      Like any parent, Kaye Banez wants the best for her children. As far as she can remember, growing up in San Juan, her parents taught her and her brother many values that she holds true, and have been guided by these principles in rearing her own children. Kaye has ...

    %d bloggers like this: