• Page Views 3233
  • Pwede bang gamitin ang dating Social Security System sa Pilipinas kung tayo ay narito na sa Canada? Halos lahat ng Filipinos na nagmigrate sa Canada na dating nagtrabaho sa pribadong sector sa Pilipinas ay may kaalaman tungkol sa Social Security System o SSS ng Pilipinas. Ngunit hindi lahat ay nakakaalam sa benepisyo ng SSS para sa atin at ating mga pamilya ngayong tayo ay narito na sa Canada. Maaring mayroon tayong mga benepisyo na pwede na nating mapakikinabangan at ng ating mga mahal sa buhay, hindi lang natin nalalaman kung ano at papaano.

    Ang SSS or Social Security System ay isang social insurance program para sa mga Pilipinong empleyado, self employed at voluntary members sa Pilipinas. Sakop din nito ang mga Pilipino na 1)nahire ng isang foreign-based employer for employment abroad; 2) mga mayroong source of income sa ibang bansa; at 3) mga permanent residente ng isang foreign country. Ito ay isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na ngbibigay ng retirement and health benefits sa lahat ng miyembro nito at sa kanilang mga benepisyaryo.

    Ang SSS ay nagbibigay ng “replacement income” sa miyembro ng SSS kung hindi sila makapag trabaho dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng untimely death, disability, pagkakasakit, maternity at old age. Mayroon ding final expenses benefits para sa naiwang pamilya upang magamit sa burial expenses ng miyembro o pensioner. Maari ding mag submit ng salary loans depende sa monthly income at calamity loans para sa mga pagkakataon ng kalamidad katulad ng pagbaha, lindol at iba pang natural disasters sa Pilipinas.

    Maaaring magparehistro sa SSS o ipagpatuloy ang dati ng coverage kung ikaw ay dati ng nakapaghulog ng contribution upang makuha ang mga benepisyong nabanggit. Kailangang ikaw ay natural born Filipino na hindi lalampas sa 60 years old at nasa ibang bansa, maging ikaw man ay matagal ng hindi naninirahan sa Pilipinas o nakakuha na ng Canadian Citizenship. Akala ng ilan “pagka nahinto na ang paghulog ay mababalewala na ang mga nauna ng naihulog”or “baka hindi na makuha ang perang naihulog”.

    Taliwas nito, lahat ng nakapagtrabaho sa Pilipinas at nakapaghulog na ng contributions sa SSS at ang lahat ng miyembro nito sa ibang bansa ay entitled sa dalawang retirement options. Una, maaring magkaroon ng lifetime monthly pension sa edad na 60 (optional) o 65 (mandatory) kung sila ay nakaabot sa minimum 120 months of total number of contributions o higit pa. Pangalawa, ang pagclaim ng lump sum amount para naman sa mga hindi nakaabot sa minimum na 120 months of contributions ang naihulog, entitled ang lahat ng miyembro na maibalik ang lahat ng contributions plus interest ng kanilang pera sa edad na 65 gaano man ito kaliit or kalaki.

    Kung ang miyembro ay nasa Canada o saan mang bansa, maaring pa ring makuha ang pension dahil ang SSS ay may mga accredited banks kung saan direktang dinedeposito ang monthly pensions.
    Ang paghahanda sa kinabukasan ng pamilya ang pangunahing rason kung bakit karamihan ng mga Pilipino ay nag mimigrate sa Canada. Ang SSS ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na mapaghandaan ang kinabukas nila at ng kanilang mga pamilya.

    Para sa katanungan kung papaano makapagrehistro o makapagpatuloy ng contribution at makakuha ng anumang mahahalagang impormasyon tungkol sa SSS, maaring makipagugnayan sa OneFil Co-op at saan mang branches ng Iremit o tumawag sa 778 384 8788. Pwede ding irequest ang SSS number at summary of contributions/outstanding loans para sa mga dati ng miyembro.

    “The One Filipino Cooperative of BC, the first ever Filipino Co-operative Organization in BC was launched on October 31, 2009. The Co-op’s objective is to enhance the lives of the members, our kababayans, and support one another through cooperative effort or bayanihan. It is founded on the principles of self- help, responsibility, equality, democratic governance, focus on services to members, equitable distribution of benefits and earnings, and commitment for community growth and development.

    BY: JENNY LUMABI, Padalahan ng Bayan Coordinator (FilCo-op Iremit Partnership)

    Share

    Related Post

    Related Blogpost

    Leave a Reply

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    New Posts Recently publish post More

    • 15 February 2019
      2 days ago No comment

      Former Miss Universe Dayanara Torres diagnosed with skin cancer

      Dayanara Torres, 44, reveals that she has skin cancer. The former Miss Universe titleholder took to her social media accounts to announce the sad news that she has been diagnosed with melanoma, a form of skin cancer. It is said to be the “most dangerous form of skin cancer,” ...

    • 15 February 2019
      2 days ago No comment

      The Kid Who Would Be King (PG)

      Regal Awakening! On occasion I go into deep thought as to what parental rating I should give a movie. Hardly ever do I pay much if any attention what the local censor boards levy on films since often I regard these people as simple government bureaucrats who are a ...

    • 15 February 2019
      2 days ago No comment

      ‘Jesusa’ meant for Sylvia Sanchez

      It did not take long for Sylvia Sanchez to say yes once she learned of the project “Jesusa” from writer and director Ronald Carballo. The writer-director was forthright, she said. She knew from the get-go that she was not the original choice. It did not matter to her. She ...

    • 15 February 2019
      2 days ago No comment

      Bong says showbiz remains his first love

      Despite his bid to return to politics, former action hero Bong Revilla maintained he won’t be turning his back on showbiz. “Showbiz is my first love. Bread and butter ko ang pelikula at telebisyon. Ito ang bumubuhay ng pamilya ko. Tuloy-tuloy ang paggawa ko ng pelikula, tuloy ang paglabas ...

    • 15 February 2019
      2 days ago No comment

      BBC praises ‘incredible vocal skill’ of TNT Boys

      The TNT Boys, composed of Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto and Francis Concepcion, have caught the attention of media giant BBC. On Tuesday, the BBC posted a video titled “TNT Boys: The teen tribute act captivating the Philippines.” “The TNT Boys’ blend of tribute act, drag performance and incredible vocal ...

    %d bloggers like this: