Nagkaroon din daw ng mahahalagang realizations si Kris via the film. Kuwento raw kasi ito ng isang babaeng naghahanap ng pagmamahal. “Hindi niya naramdaman na minahal siya sa sarili niyang pamilya and then finally Dong (Dingdong Dantes) comes along in the character of Ivan. Naramdaman niyang hindi na siya segunda mano pero ‘yun ang kailangan n’yong abangan,” pagbibitin ng Queen of All Media.
Sa isang eksena raw na kanilang ginawa ay may koneksyon daw sa tunay na buhay ni Kris. “We were shooting in the rain and I really broke down after [the scene]. I broke down because of what Dong was doing because it was very personal to me. Naramdaman ko kasi na parang ito pala ang mga pagkakamali ko, and I thought because of the lines that Dong said na if I could relive my life, I would have changed some decisions.” Ang tinutukoy raw ni Kris ay ang pagkasira ng kanyang pamilya.
Minsan daw ay hindi inaasahang magkasalubong sila ng kanyang ex-husband na si James Yap. “Nagkasalubong kami at nakita ko kung ano ‘yung pinagbabayaran ng anak namin ngayon. So ‘yung lineskasi ni Dong doon has something to do with his daughter, do’n mo nararadaman na nakakaawa talaga not just Bimby but also si Josh kasi ‘pag nakikita nila si James akala nila buong-buo sila and ‘yun ang masakit para sa akin, kasi nga ‘di na kami buo,” madamdaming pahayag ng actress-host. (push.com)
| < Prev | Next > |
|---|








