Mon05212012

Ang pulitika sa Canada

  • PDF

Malapit na naman ang halalan para sa mga municipalities dito sa B.C. Ito ay gaganapin sa sunod na buwan - Nov. 19, 2011 para sa City of Vancouver, Surrey, Richmond, Burnaby at iba pang mga siyudad sa B.C. Ito ay pang-lokal na eleksyon at iboboto ang Mayor at mga Konsehales kasali na rin ang Parks Board at School Board. Ang municipal politics ay ang pangatlong baitang sa pulitika sa bayan. Ang una at pinakamataas ay ang Federal government at Batasan ay tibawag na Parliament of Canada. Ang mambabatas naman ay tinatawag na Members of Parliament o MP. Sila ay nagtitipon sa Ottawa, ang capital ng Canada. Ang probinsya naman ay sunod na baitang at ang mga mambabatas ay tinawag na Member of the Legislative Assembly o MLA. Sila naman ay nagtitipon sa Provincial legislature sa Victoria, ang capital ng British Columbia. Kanya kanyang patakaran at responsibilidadang bawat baitang ng gobyerno. Para sa mga mamayan ang municipal politics ay mas nakaapekto bilang mga residente sa mga cities at municipalities. Ang municipal government ay ang namahala sa mga bagay katulad ng garbage collection, libraries, property taxes at iba pa. Ang Provincial government ay siyang namamahala sa mga eskuelahan, hospitals, transportation at mga provincial taxes katulad ng Sales Tax, PST at ibang pang buwis.

At ang Federal ay katungkulan sa Immigration, Medicare at Criminal Law. May kunting power ang probinsya sa immigration? Dito sa atin sa British Columbia may dalawang Pinoy na magkandidato sa darating na halalan. Si RJ Aquinoay tatakbo bilang konsehal sa City of Vancouver sa bandila ng COPE. Pero kailangang muna siyang ma-nominated itong darating na Linggo, Sept. 18 bago maging official na kandidato sa City Council sa Nov. 19, 2011. Ang pangalawa ay si Gabby Kalaw na lalaban sa Parks Board ng Vancouver under the NPA banner. Si G. Kalaw ay napili ng isang kandidato sa partido nila. Dito sa British Columbia, may dalawa pa lang tayong Pinoy politicians na nakaupo na: Si MLA Mable Elmore ay kaunaunahang napili na MLA. Siya ay representate sa Vancouver- Kensington. Sa Richmond naman ay nandoon si Rod Belleza na napiling School Trustee sa Richmond School Board